Thursday, September 10, 2020

REPLEKSIYON NG BUHAY KO

 

 REPLEKSIYON NG BUHAY KO

Ang gusto ko sa buhay ay parating maging masaya at maging mapagbigay. Hindi ko pa alam kung ano ang gusto kong trabaho paglaki ko dahil namimili pa ako kung gusto ko ba maging Piloto o maging Business Woman. Gusto ko rin tumulong sa mga taong walang makain. 

Ang talent na gusto kong ibahagi sa aking sarili ay ang pagguhit. Gusto ko matuto gumuhit dahil gusto ko iguhit ang mga magagandang mukha ng aking pamilya at mga kaibigan ko. Gusto ko rin pagbutihin ang aking pagkanta. Ang mga bagay na nagpapasaya sa akin ay ang aking computer. Pinapasaya nila ako dahil nanonood ako ng mga nakakatawang mga bidyo sa Youtube gamit ang computer. 

Nag-uusap din kami ng aking mga pamilya at ng aking mga kaibigan gamit ang aking computer. Ang mga tao na nagpapasaya sa akin ay ang aking pamilya at ang aking mga kaibigan. Pinapasaya nila ako dahil pinapatawa nila ako palagi at sila rin ang aking inspirasyon. Sila ang aking inspirasyon dahil binibigyan nila ako ng lakas ng loob. Nagpapasalamat ako sa Panghinoon dahil binigyan niya ako ng napakagandang Pamilya at mga kaibigan.

 

REPLEKSIYON NG BUHAY KO

   REPLEKSIYON NG BUHAY KO Ang gusto ko sa buhay ay parating maging masaya at maging mapagbigay. Hindi ko pa alam kung ano ang gusto kong tr...